SANA

Noong sinabi mong mahal mo ako, pinag laban kita hanggang sa maubos ako.
Noong sinabi mong kaya mo, sumugal ako kahit alam kong talo.
Noong sinabi mong hindi ka aalis sa tabi ko, pinabayaan ko dahil masaya ako sa narinig ko mula sa iyo.
Pero mahal, noong sinabi mong tama na dahil suko ka na?
Nagunaw ang mundo ko.
Nagunaw, yung mga pangarap na tayong dalawa ang bumuo.
Mali, ako nga lang pala ang bumuo.
Nagunaw nang parang baliwala lang ito sayo.
Oo, baliwala nga lang pala ako sayo.
Sana hindi mo nalang ako minahal.
Sana hindi mo nalang sinabi ang mga katagang “Mahal kita”.
Sana pala hindi ako naniwala.
Puro sana, sana, sana.
Ganun naman talaga diba?
Sana wala ka nung mga panahong umuulan.
Sana wala ka nung namatay yung pusa kong si Batman.
Sana wala ka, kasi nung dumating ka. Wala.
Wala na akong nagawa kundi ang mahalin ka.

Ang galing mo nga naman oh.
Iniwan mo ako nang ganito.
Sana pala hindi nalang kita nakilala, dahil para sayo baliwala lang ang mga luhang sa mga mata ko ay tumutulo.
Dahil sayo, baliwala lang yung pag ibig na nilaanan ko ng ilang ilang minuto.
Mali, pag ibig na nilaanan ko ng buhay ko.

Naaalala mo ba? Yung gabing sinabi mo yung salitang “mahal kita”.
Naaalala mo ba? Sumagot ka! Naaalala mo ba?
Kasi ako? Paulit ulit ko itong naaalala dahil noong sinabi mong “MAHAL KITA”
Para pala iyon sa iba.

Comments

Popular posts from this blog

TULANG WALANG KAHULUGAN

NAIWAN