NAIWAN
Sinabi mo sa akin na sabay nating aabutin ang mga pangarap natin.
Kasabay ng pag abot mo sa aking mga kamay.
Pasmado ako at ito'y alam mo,
Ngunit hindi mo binitawan ang pagkaka hawak mo.
Nakita ko ang iyong mga ngiti sa gabing madilim.
Kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin.
Sabi mo saakin wala sa atin ang bibitiw.
Bibitiw sa mga pangakong ating tutupadin.
Ngunit dumating ang isang unos,
Mahal naiwan ako sa pag agos
Naiwan ako at ikaw lang ang inagos.
Mahal, kailangan ko pa bang ipag sigawan na ako ay iyong naiwan.
Upang mapansin mo naman na iba na ang kamay na iyong hinahawakan.
Mahal sabi mo sabay nating aabutin ang mga pangarap mo.
Ngunit anong ginawa mo ako'y binitawan mo.
Ngayon isa na akong naiwan.
Naiwan at walang alam sa landas na kinahinatnan.
Naglakad ako isang gabing madilim,
Nakita ko ang mga kamay mo,
Nag aabang nakahandang iabot ito,
Ngunit nagulat ako ng kamay nya ang inabot mo.
Maganda sya higit sa inaakala ko.
Maganda sya at alam kong talo ako
Maganda sya kaya siguro iniwan mo ko.
Masakit sa akin ang ginawa mo na ako'y binitawan mo at sya na ang hinawakan mo.
Mahal ngayon sa pag lalakad ko sana'y ang liwanag ng bwan ang maging ilaw ko.
Ilaw pabalik sa lugar kung saan iniwan mo ako.
At Mag babaka sakali ako na ako ay balikan mo.
Dahil sa dulo ng tulang ito ako yung NAIWAN mo.

Comments
Post a Comment