Posts

Showing posts from August, 2017

TULANG WALANG KAHULUGAN

Bakit? Paano? Sino? Ano? Saan? Tanong na paulit-ulit sa aking isipan. Bakit? Paano? Sino? Ano? Saan? Bakit mo nga ba ako iniwan? Paano? Sino? Ano? Saan? Paano tayo natapos ng ganun-ganun nalang? Sino? Ano? Saan ? Sino nga ba sya? Sino sya na kapag nasilayan ay may ngiting lumalabas sa labi? Sino ba sya na may dalang saya? Ano? Saan? Ano bang halaga ko at iyong iniwan? Ano nga bang sakit ang pilit naipinaramdam? Ano ba ako sayo at sya ang pinili mo? Saan ? Saan ba ako nag kulang? Saan ka pupunta at ako'y iyong biglang iniwan? Bakit? Paano? Sino? Ano? Saan? Paulit-ulit kang gumugulo sa aking isipan. Bakit? Paano? Sino? Ano? Saan? Ikaw at ako'y isang tulang walang kahulugan.

NAIWAN

Sinabi mo sa akin na sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Kasabay ng pag abot mo sa aking mga kamay. Pasmado ako at ito'y alam mo, Ngunit hindi mo binitawan ang pagkaka hawak mo. Nakita ko ang iyong mga ngiti sa gabing madilim. Kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin. Sabi mo saakin wala sa atin ang bibitiw. Bibitiw sa mga pangakong ating tutupadin. Ngunit dumating ang isang unos, Mahal naiwan ako sa pag agos Naiwan ako at ikaw lang ang inagos. Mahal, kailangan ko pa bang ipag sigawan na ako ay iyong naiwan. Upang mapansin mo naman na iba na ang kamay na iyong hinahawakan. Mahal sabi mo sabay nating aabutin ang mga pangarap mo. Ngunit anong ginawa mo ako'y binitawan mo. Ngayon isa na akong naiwan. Naiwan at walang alam sa landas na kinahinatnan. Naglakad ako isang gabing madilim, Nakita ko ang mga kamay mo, Nag aabang nakahandang iabot ito, Ngunit nagulat ako ng kamay nya ang inabot mo. Maganda sya higit sa inaakala ko. Maganda sya at alam ko...

LABANG WALANG TITULO

Simula ng araw na ginusto kita, Alam kong madami na agad  what ifs , paano,  at kung ano ano pang tanong na makakapag pagulo sa isip ko. Pero anong magagawa ko, kung yung pangalan mo yung tinitibok ng puso ko. Mahabang proseso bago tayo umabot sa ganito, close tayo, nagkkwentuhan , nag bobonding pa nga . Patuloy akong lumalaban kahit na sinabi mong hindi pwede yung tayo dahil sa magkaibigan tayo. Mahal sinubukan kong lumayo, sinubukan kong ibaling sa iba yung atensyon ko, sinubukan kong gumusto ng iba, sinubukan ko kahit alam kong hindi ko kaya, sinubukan ko mahal, pero sayo at sayo parin ako dinadala ng mga paa ko. Alam kong sa paglaban kong ito maaring hindi ako manalo. Pero hindi parin ako susuko, hanggang sa nakakita ako ng kaunting pag asa kumbaga 0.1% pero sumubok padin ako, sumugal padin ako kahit alam kong mag mumuka na akong tanga. Mahal pasensya ka na kung makulit ako , gusto ko lang naman ng atensyon mo , mahal pasensya ka na kung nagiging selfish ako ...